Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na pagpasok ng susunod na taon ay makakaramdam ang bansa ng mas mainit na temperatura pagpasok ng dry season dahil sa pag-iral ng El Niño.
Sa pagdinig ng House Committee on Climate Change ngayong araw, sinabi ni PAGASA-DOST Weather Services Chief Thelma Cinco mararanasan ang tagtuyot sa pagsisimula ng 2024 hanggang sa unang quarter ng susunod na taon.
Paglilinaw naman ni Cinco na hindi nito ibig sabihin na wala nang mararanasang pag-ulan.
Bagkus, maaari aniya tayo makaranas ng weather extremes.
Aminado rin ang opisyal na bilang ang ulan sa maituturing na major source ng patubig kaya’t magkakaroon aniya ng malaking epekto ang El Niño sa ating water harvest.
Katunayan, ang kabawasan aniya sa pag-ulan ang isa sa paunang epekto ng El Niño.
Inaasahan na nasa isa hanggang dalawang bagyo na lang ang papasok sa Pilipinas bago matapos ang taon o kabuuang 12 bagyo lang para sa taong 2023.
“Currently, El Nino is strong that peaking towards last quarter of 2023, and towards first quarter of 2024, that’s the peak. So currently, our typhoons, tropical cyclones, we have only 10. And we expect one to two towards the end of the year. So at the maximum, maybe we’ll have 12 tropical cyclones this year. So, there’s a reduction. So most of the water that we harvest is basically through the presence of tropical cyclones, so if we have reduction of tropical cyclones, that’s the reason why we also have reduction of rainfall. And that’s the early impacts of the El Niño,” sabi ni Cinco. | ulat ni Kathleen Jean Forbes