Iminungkahi ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ang mas mataas na suporta sa budget para sa Health Facilities Enhancement Program o HPEP ng Department of Health.
Ito ang payo ni Villafuerte kay Health Secretary Teodoro Herbosa sa isang pagdinig kamakailan ng Commission on Appointment sa kanyang ad interim appointment bilang DOH secretary.
Ayon sa mambabatas, layon nitong maiwasan ang nakasanayang walang laman at napapabayang super health centers dahil hindi ito nilaanan ng budget.
Paliwanag niya, nangangailangan ang mga local government unit ng malaking pondo upang mapatakbo ang mga super health center at makakuha ito ng ‘top grade’ na kagamitang medikal at bayad ng mga sweldo ng guro at nurse.
Ayon sa lawmaker, sinang-ayunan naman ito ni Herbosa at sinabing kailangan ng reporma ng HPEP para mapabuti ang paghahatid ng serbisyong medikal sa publiko.
Ang mga super health center ay ang mas pinahusay na bersyon ng rural health units at medium-type na bersyon ng polyclinics upang mabawasan ang mga pasyente sa ospital lalo na ang mga nasa lalawigan. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes