Mataas na koleksyon ng BIR, resulta ng pagtalima sa direktiba ni PBBM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui na ikatutuwa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mataas na koleksyon ng BIR ngayong taon.

Ayon kay Lumagui ang lagi naman aniyang direktiba ng Pangulo ay ang pagpapabuti ng koleksyon ng buwis ng pamahalaan. 

Dahil sa kautusan ng Pangulong Marcos at pamumuno ni Lumagui, pumalo ang koleksyon ng BIR nitong Oktubre 2023 ng mahigit ₱274-billion pesos, na mas mataas ng 46.94% kumpara noong nakaraang taon at mas mataas ng 8.57% kumpara sa target collection nito. 

Sa kabuuan ay papalo na  sa mahigit ₱2.1-trillion pesos ang koleksyon ng BIR ngayong taon na mas malaki kumpara sa nakolekta noong nakaraong taon sa kaparehong panahon.  | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us