Ipinagmalaki ni Finance Secretary Benjamin Diokno sa harap ng mga Chief Executive Officer (CEO) ang matibay at malakas na ekonomiya ng Marcos Jr. Administration.
Sa kanyang pagharap sa BizNewsAsia 22nd Anniversary, sinabi ni Diokno na ang Pilipinas ay nakapagtala ng pinakamataas na paglago sa Southeast Asia ngayong taon, at inaasahang maging sa susunod na taong 2024.
Ibinahagi rin ng kalihim ang “enduring strength” ng ekonomiya, at ang matibay na pundasyon na inilatag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa pagkamit ng inclusive growth.
Aniya, patuloy na magiging agresibo ang gobyerno sa mga susunod na taon upang masustine ang paglago ng bansa.
Ang BisNews Asia gathering ay dinaluhan ng 200 top businessmen sa bansa. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes