Maynilad, QC LGU, nagkasundo sa epektibong paggamit ng treated wastewater sa lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakipag-partner ang Quezon City government sa water concessionaire na Maynilad para sa epektibong paggamit ng treated wastewater sa lungsod.

Bahagi ito ng istratehiya ng LGU bilang paghahanda sa inaasahang epekto ng El Niño sa susunod na taon.

Pinangunahan nina QC Mayor Joy Belmonte at Maynilad Water Services Inc. President and Chief Executive Officer Ramoncito Fernandez ang paglagda sa Memorandum of Agreement na para sa wastewater management.

Sa ilalim ng kasunduan, ang treated wastewater na nakolekta sa mga residente ay gagamitin ng QC bilang pandilig sa mga halaman sa parke, panglinis sa mga open space, at pang-apula sa apoy sakaling magkasunog.

Paraan din ito upang mabawasan ang paggamit ng potable o malinis na tubig.

Ayon kay Mayor Belmonte, mahalaga ang pagtutulungang ito para mapaghandaan ang epekto ng nagbabadyang posibleng “water shortage” at para sa mas sustainable na paggamit ng tubig. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us