MERALCO, nagbukas ng pre-bid conference para sa kanilang 1,200 megawatts baseload

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binuksan ng Manila Electric Company o MERALCO ang kanilang Competitive Selection Process para sa 1,200 megawatts na baseload requirements.

Ayon sa MERALCO, ito ay para matiyak na kanilang maipagpapatuloy ang pagbibigay ng sapat at maaasahang suplay ng kuryente lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan.

Ayon sa MERALCO, alinsunod ito sa inilabas na Certificate of Conformity sa Terms of Reference ng Department of Energy o DOE para sa 15 taong Power Supply Agreement na magiging epektibo sakaling aprubahan ng Energy Regulatory Commission o ERC.

Dahil dito, tinatawagan ng Bids and Awards Committee ng MERALCO ang mga intresadong power generation company na lumahok hanggang Disyembre a-11.

Itinakda ng MERALCO ang kanilang Pre-Bid Conference sa Disyembre a-18 habang ang deadline para sa pagsusumite ng bid ay sa Enero a-23 ng susunod na taon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us