Mga 4Ps beneficiary, maaari nang mag-apply ng Low-Income Lifeline Rate sa Maynilad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Simula bukas, Nobyembre 13, 2023, maaari nang mag-apply ng Low-Income Lifeline Rate ang mga beneficiary ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ang Low-Income Lifeline Rate ay karagdagang discount na ibibigay sa residential at residential bulk customers na kumukunsumo ng 10 cubic meters pababa  kada buwan at kabilang din sa marginalized sector kapag naaprubahan ang kanilang aplication.

Sa abiso ng Maynilad Water Services, kailangan lang ihanda ng mga 4Ps beneficiary ang mga kinakailangang requirements para makapag-apply.

Kabilang dito ang duly accomplished Lifeline Rate application form, photocopy ng 4Ps ID, recent water bill ng account na ina-apply maliban na lamang sa mga bagong water service connection (NWSC) applicant.

Para sa qualified applicants ngunit hindi nakapangalan sa kanila ang account, kinakailangan magpakita ng proof of residence tulad ng government-issued ID na may address o Barangay Certificate of Residency. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us