Mga ani ng mga magsasaka, ipinapanukalang gamitin sa school feeding program

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinanukala ni Davao 1st District Representative Paolo Duterte ang pagmamandato sa national at local government na bilhin ang mga local produce ng ating mga magsasaka, para sa proposed mandatory feeding program sa mga public school sa bansa.

Ito ay upang i-promote ang agricultural sector at panatilihin ang livelihood ng local farmers.

Ayon sa mambabatas, backbone ng agriculture sector ang mga magsasaka para tiyakin ang kasiguruhan ng pagkain, pero aniya nakakalungkot na marami sa ating mga kababayang magsasaka ang mahihirap habang nasasayang lamang ang kanilang sobra-sobrang ani.

Sa ilalim ng House Bill 9331 o ang School Feeding Purchased from Local Farmers Program Act of 2023, igagarantiya ng gobyerno ang pagbili ng mga local produce para sa libreng pagkain ng mga bata sa mga pampublikong paaralan.

Paliwanag ng mambabatas, hindi lamang nito mabebenepisyuhan ang mga magsasaka bagkus maging ang nutrisyon ng mga kabataan.

Nakasaad din sa panukalang batas, na ang Department of Agriculture ang tutukoy ng mga magsasaka na bibilhan ng mga ani habang ang Department of Social Welfare and Development at National Household Targeting Survey ang mag-i-identify ng mga benepisyaryo. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us