Nakatakdang sumalang sa isang leadership training ang nasa 42,000 na bagong halal na Brgy. Officials sa bansa.
Pangungunahan ng Department of Interior and Local Govt. sa pamamagitan ng Local Government Academy (LGA) ang training program na tinawag na Grassroots Renewal and Empowerment for Accountable and Transparent (GREAT) Barangays.
Nakadisenyo ang pagsasanay para ihanda ang mga brgy official sa mga hamong kahaharapin bilang pinuno ng kanilang komunidad.
“As the basic unit of local governance, at pinakamalapit sa ating mga kababayan sa komunidad, everything starts in the barangay,” Abalos.
Sisimulan ang pagsasanay sa isang basic orientation course kung saan ipapakilala sa mga opisyal ang ilang fundamentals sa barangay governance kabilang ang Local Government Code, development planning, budget at finance, at public ethics and accountability.
Bukod dito, maghahatid din ang DILG ng technical assistance sa pagpaatupad ng specialized courses sa barangay governance, enriching citizen participation, at performance management.
Tatalakayin din maging ang Seal of Good Local Governance for Barangays (SGLGB). “Capacitating our barangay officials is as critical as voting for them. Malaki ang resposibilidad na nakaatang sa kanila na inilatag ng ating batas. Preparing them now can spell a great deal of difference sa kanilang panunungkulan.” | ulat ni Merry Ann Bastasa