Apat sa bagong mga mambabatas ng 19th Congress ang sumailalim sa Executive Course on Legislation (ECL).
Kabilang dito sina Rep. Crispin Diego Remulla (7th District, Cavite), Rep. Erwin Tulfo (Party-list, ACT CIS), Rep. Rosemarie Conejos Panotes (2nd District, Camarines Sur), at Rep. Roberto Uy Jr. (1st District, Zamboanga del Norte).
Inorganinsa ang ECL ng Office of Secretary-General katuwang ang University of the Philippines-National College of Public Administration and Governance (UP-NCPAG) at Center for Policy and Executive Development (CPED) upang tulungan ang mga bagong kongresista na epektibong magampanan ang kanilang mga mandato.
Ilan sa mga naging paksa ang development concepts, indicators, at approaches, at kasalukuyang isyu at hamon sa Philippine Development and Public Policy.
Pinag-usapan din ang proseso ng pagpapasa ng budget, constitutional mandate ng institusyon, proseso ng mga komite, legislative process, at parliamentary rules and procedures.
Nagkaroon din ng diskusyon patungkol sa legislative ethics and accountability; citizen engagement, constituencies, and advocacy; at media and basic cyber security and online hygiene. | ulat ni Kathleen Jean Forbes