Napagkalooban ang labingsiyam na mga bata mula sa The Haven – Regional Center for Child (TH-RCC) at siyam na bata mula sa Haven for Women ng mga Pamaskong handog.
Ang mga pamaskong handog na tinanggap ng mga bata ay nagmula sa programang Balik Sigla, Bigay Saya na iniyatibo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon kay Hiyamis Joy N. Rabelas, ang center head ng Haven for Women, malayo man ang pasilidad sa Malacañang ay ramdam umano ng mga bata sa pasilidad ang sinseridad at intensiyon ng Pangulo na pasayahin ang mga bata.
Nagpahayag rin si Rabeles ng pasasalamat sa Opisina ng Pangulo sa ganitong mga program, naipapadama umano ng ganitong programa ang pagmamahal ng gobyerno sa mga bata.
Bukod sa Gift Giving, nagsagawa rin ng aktibidad ang pasilidad upang mas maging masaya at makabuluhan ang kaganapan.
Nagsimula ang kaganapan sa isang salo-salong almusal ng mga bata, na sinundan ng mga palarong pambata, at nagtapos sa pakikilahok sa online conference ng Pangulo.
Ang TH-RCC at Haven for Women ay mga pasilidad na tumutugon sa pangangailangan ng mga bata at kababaihan na inabandona at nakaranas ng pang-aabuso. Pinapatakbo ang pasilidad ng DSWD.| ulat ni Ricky Casipit| RP1 Dagupan