Mga bus terminal sa Dagupan City, mahigpit na binabantayan ng PNP sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigpit na binabantayan ngayon ng mga miyembro ng PNP ang mga transport station partikular na ang mga bus terminal sa Dagupan City matapos ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections at sa pagtatapos ng paggunita ng Undas.

Sa panayam ng Radyo Pilipinas Dagupan kay PLt. Col. Brendon Palisoc, Chief of Police ng Dagupan City PNP, inaasahan na ang muling pagdagsa ng mga pasahero sa mga terminal na palabas ng probinsya upang bumalik sa kanilang mga trabaho at ang karamihan ay bibiyahe patungong Metro Manila ngayong araw.

Ayon Kay Palisoc, inatasan na niya ang mga kapulisan na magkaroon ng mahigpit na inspeksyon sa mga transport station.

Inilahad nito, bago ang Undas ay nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang sachet ng pinagbabawal na gamot sa isang manlalakbay sa lungsod.

Regular din umano ang monitoring ng mga ‘speed cop’ para matiyak ang seguridad ng mga biyahero.

Una ng sinabi ng PNP na naging mapaya at maayos ang paggunita ng Undas sa lungsod. | ulat ni Verna Beltran | RP Dagupan

📸: Dagupan City PNP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us