Mga fixer na nanloloko sa mga OFW, pinatutugis ni Senador Bong Revilla

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hnikayat ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. ang Department of Migrant Workers (DMW) na tugisin ang mga fixer na nambibiktima ngOverseas Filipino Workers (OFWs).

Napag-alaman kasi ng senador na may mga fixer na naniningil ng bayad para sa pagproseso ng Overseas Employment Certificate sa pamamagitan ng DMW application gayong libre lang naman ito.

Sa budget deliberation ng panukalang 2024 budget ng DMW, tinanong ni Revilla ang ahensya kung anong mga hakbang ang pinapatupad nila para masugpo ang ganitong mga klase ng panloloko sa mga OFW.

Sinabi naman ng sponsor ng DMW budget na si Senador JV Ejercito na sa ngayon ay nakikipagtulungan na sila sa National Bureau of Investigation (NBI) cybercrime division at sa Department of Information and Communications Technology (DICT).

Kaugnay nito, giniit ni Revilla na mainam na may masampolan at makasuhan kaugnay ng modus na ito para hindi na magpatuloy ang panloloko sa mga OFW.

Sinabi rin ng mambabatas na dapat malinaw na ipaalam at ipaintindi sa mga OFW ang mga proseso para hindi rin sila mabiktima. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us