Inihayag ng Department of Education (DepEd) na bibigyan ng dagdag na service credits ang mga guro na sumobra sa oras sa pagganap ng kanilang trabaho nitong Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023.
Ito ang sinabi ni DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa. Aniya, limang araw na service credits ang ibibigay nila sa mga guro.
Ayon naman kay DepEd Assistant Secretary Francis Bringas, ang ibibigay na service credits ay hindi pera, ngunit ito ay leave credits na katumbas ng isang araw na sahod ng mga guro.
Matatandaang sumulat ang grupo ng mga guro na Teachers’ Dignity Coalition sa Commission on Elections na sana ay mabigyan ng overtime pay ang mga guro, dahil sa dami kasi ng trabaho nitong eleksyon may ilan sa mga guro ang tuloy-tuoy na nagtrabaho ng mahigit 24 oras. | ulat ni Diane Lear