Mga hakbang ng PH gov’t vs epekto ng mga pandaigdigang hamon, ibinahagi ng DOF Chief sa APEC Finance Minister’s Meeting

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na dahil sa proactive measures na ginawa ng gobyerno kaya nalagpasan ng Pilipinas ang mga kinakaharap na global challenges katulad ng Russia-Ukraine conflict.

Ginawa ni Diokno ang pahayag sa harap ng 30th APEC Finance Ministers na ginanap sa San Francisco California.

Sa kanyang naging intervention, sinabi nito na nagdulot ng disruption sa supply chains kaya nagkaroon ng supply shortage sa bansa na nagpataas ng inflation.

Pero aniya dahil sa proactive steps na inilatag ng Inter-Agency Committee on Inflation and Market Outlook (IAC-IMO) kaya epektibong naibsan ang pagsirit ng inflation sa bansa.

Ang IAC-IMO ay ang binuong advisory body para sa Economic Development Group ang siyang gumabay sa gobyerno upang masangga ang food at non-food inflation gayundin upang matiyak ang energy security habang binabalanse ang interes ng producers, consumers at ekonomiya.

Aniya, bilang hepe ng economic team ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. tinitiyak niyang isinasagawa ang mga fiscal discipline sa pagkamit ng kauna-unahang Medium-Term Fiscal Framework. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us