Natuloy ang dayalogo ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz iii at Atty Ariel Inton na kumakatawang abogado ng grupong PISTON.
Tinalakay sa pulong ang mga inihain ng PISTON na mapalawig ang deadline sa usapin ng modernization program ng ahensya,
kasama na ang pagbuo ng kooperatiba limang taong prangkisa para sa mga operators ng Public Utility Jeepney (PUJ).
Nagpulong din ang lupon ng LTFRB kaugnay ng mga paglilinaw sa modernization program ng ahensya partikular ang industry consolidation na kabilang sa 10 component ng programa.
Dumalo sa pulong sina Board members Engr. Riza Marie Paches, Atty. Mercy Jane Paras-Leynes, Executive Director Robert Peig at Atty. Ariel Inton.| ulat ni Rey Ferrer