Mga kabataan mula sa iba’t ibang bayan ng Metro Manila, lumahok sa ginaganap na Regional Children’s Congress ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilahukan ng mga kabataan mula sa iba’t ibang bayan ng National Capital Region (NCR) ang inilunsad na Regional Children’s Congress ngayong araw sa Muntinlupa City bilang bahagi ng National Children’s Month Celebration.

Iba’t ibang aktibidad ang inilatag para sa mga kabataang participants tulad ng workshops at discussions patungkol sa mga issues o concern na nararanasan ng kapwa nila bata sa kanilang mga lugar.

Ibinihagi rin ng ilang kalahok sa Children’s Congress kung bakit mahalaga ang mga ganitong kaganapan sa kanilang mga kabataan lalo na upang mapakinggan ang kanilang opinyon sa mga social issues na nangyayari sa bansa.

Ngayong taon, ang Muntinlupa City LGU ang gaganap bilang host city kung saan inilatag nito ang iba’t ibang aktibidad na sesentro sa kapakanan at pangangalaga ng mga kabataan. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us