Mga mag-aaral mula sa low-income households, dapat gawing prayoridad sa tulong pinansyal sa kolehiyo – Sen. Gatchalian

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais ni Senador Sherwin Gatchalian na maging prayoridad ang mga mag-aaral na nasa low-income households o yung kabilang sa Listahanan 2.0 sa mga magiging benepisyaryo ng Tertiary Education Subsidy (TES) sa ilalim ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act (Republic Act No. 10931) o ang Free Higher Education law.

Una nang napuna ni Gatchalian ang paunti nang paunting bilang ng mga mag-aaral na mula sa low-income households na nagiging benepisyaryo ng TES, bagay na aniya’y salungat sa intensyon ng Free Higher Education law.

Nitong 2nd Semester ng Academic Year (AY) 2022-2023, 79% ng mga benepisyaryo ng TES ang mula sa mga lugar na walang State at Local Universities and Colleges (SUCs and LUCs), samantalang 21% lamang ang mula sa Listahanan, at walang mula sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Para maitama ito, ipinanukala ni Gatchalian ang paglalagay ng special provision 3 sa panukalang 2024 budget ng Commission on Higher Education (CHED).

Batay dito ay bibigyang prayoridad ng Unified Financial Assistance System for Tertiary education (UNIFAST) ang mga mag-aaral sa ilalim ng Listahanan 2.0 at mga mag-aaral mula sa low-income households na hindi bahagi ng Listahanan 2.0.

Kakailanganing magsumite ng mga mag-aaral na ito ng proof of income sa UniFAST board na namamahala sa pamamahagi ng TES.

Tinanggap naman ng Senate Committee on Finance ang panukalang special provision na ito ng senador. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us