Ikinalugod ng ilang mambabatas ang pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng bagong Kalihim ng Department of Agriculture sa katauhan ni Francis Tiu Laurel Jr.
Ayon kay Majority leader Jose “Mannix” Dalipe ang malawak na karanasan ni Laurel sa fishing sector at food production ay malaking tulong sa administrasyong Marcos Jr. sa pagbuo ng istratehiya upang makamit ang food security.
Excited naman si Kabayan Partylist Rep. Ron Salo sa innovative approaches ng bagong kalihim para palakasin ang fisheries sector, anya ang pagpasok ni Laurel sa gabinete ng pangulo ay alinsunod sa hangarin na paunlarin ang agricultural landscape ng bansa.
Naniniwala naman si BH partylist Representative Bernadette Herrea na ang pagtatalaga kay Laurel ay importanteng bahagi sa pagpupursige ng Kamara na irevitalize ang agricultural Industry.
Umaasa naman si Quezon 3rd District Rep. Reynan Arrogancia na mapapangasiwaan ng bagong kalihim ang modernization and best practices sa sector ng pagsasaka at pangingisda.
Si Laurel ay pangulo ng Frabelle Fishing Corporation at tinaguriang “fishing magnate”.
Sa kanyang talumpati sa Malacanang, sinabi nito na malapit sa kanyang puso ang mga magsasaka at mangingisda dahil personal niyang natunghayan ang mga hirap at pangarap ng mga ito. | ulat ni Melany Reyes