Mga may-ari ng panaderya sa Mandaluyong City, dumidiskarte na upang hindi magtaas ng presyo ang kanilang panindang pandesal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kaniya-kaniya nang diskarte ang mga may-ari ng panaderya sa Mandaluyong City, huwag lamang makapagtaas ng kanilang paninda partikular na ang paborito ng masa na pandesal.

Ayon kay Andrew, isa sa mga may-ari ng panaderya, ito’y dahil sa nangangamba sila na baka mawalan sila ng customer kung magtataas sila ng presyo ng tinapay.

Nabatid na aabot sa P2.50 ang bentahan ng kada piraso ng pandesal, 50 sentimos na mas mataas kumpara sa dating dalawang piso.

Paliwanag niya, sa halip na magtaas ng presyo dahil sa mahal ng mga sangkap sa paggawa ng tinapay, binabawasan na lamang nila ang sukat ng mga ito.

Nabatid na sumulat na ang Philippine Baking Industry Group o PHILBAKING sa Department of Trade and Industry o DTI na humihirit ng taas-presyo sa kanilang Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal.

Paliwanag nila, tumataas na kasi ang kanilang gastusin sa mga sangkap sa paggawa ng tinapay na dinagdagan pa ng mahal pa ring presyo ng mga produktong petrolyo. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us