Mga may ari ng Smartweb Technology, pinapa-subpeona ng Senate panel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinapa-subpoena ng Senate Committee on Women ang mga nakalistang incorporator o may ari ng Smartweb Technology …. ang POGO company na ni-raid kamakailan ng mga otoridad kung saan may natuklasang torture chamber at nagiging pugad ng prostitusyon.

Sa pagdinig ng senate committee kanina matapos ang ocular inspection sa gusali ng Smartweb sa Pasay, nagmosyon si Senador Sherwin Gatchalian, na kailangan nang dumalo sa susunod na magiging pagdinig ng mga may ari na sina Kevin Bautista de Jesus, Fidel Mignon Curitana Sarausad at Delia Abaratigue Montibon.

Ayon kay Gatchalian, inimbitahan sa pagdinig ngayong araw ang tatlo pero hindi sila sumipot.

Giit ng senador, dahil sa bigat ng isyu ay kailangan nilang humarap sa pagdinig at sagutin ang mga isyu at ilegal na aktibidad na natuklasan sa kanilang POGO company.

Kaninang umaga ay nilibot nina Sen. Risa Hontiveros at Sen. Gatchalian ang 6-storey building ng Smartweb sa Williams Street, Pasay City.

Dito personal na nakita ng mga senador ang torture chamber, “aquarium” para sa mga babae, dorms, sariling KTV bar, spa, grocery, mini casino, clinic at pharmacy ng naturang POGO firm. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us