Kahit na ilang press conference at paalala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko para sa pagtataas ng multa sa lalabag sa hindi awtorisadong pagdaan sa EDSA Busway ay may mga nahuhuli pa rin sa kahabaan ng Tramo sa Pasay City ngayong umaga.
Ayon sa mga nahuli na lumabag sa pagdaan sa b
Buslane ay alam naman nila ngunit sumugal lamang sila dahil mahuhuli na sila sa trabaho.
Batay sa tala ng traffic enforcer na nakausap natin ay nasa halos 70 violators na ang lumabag sa pagdaan sa EDSA Busway. | ulat ni AJ Ignacio