Mga nakasaad sa revised IRR, naayon sa batas na naglalayon na patatagin ang corporate governance ng Maharlika Investment Fund-DoF

Facebook
Twitter
LinkedIn

Buo ang suporta ng Department of Finance sa revised Implementing Rules and Regulations ng Maharlika Investment Fund Act.

Ayon sa DoF, ang enhancement na isinagawa sa IRR ay lahat alinsunod sa naitakda ng batas na naglalayong patatagin ang corporate governance nito.

Titiyakin ng IRR ang independence ng Board of Directors ng MIF na magkaroon ng puwang para bumuo ng credible oversight and risk management body upang pairalin ang pinakamataas na standard at epektibong fund management.

Napapanahon anila ang paglalabas ng revised IRR dahil marami nang investors sa loob at labas ng bansa ang nagpahayag ng kanilang interes na mag invest sa MIF.

Diin ng DoF, ang IRR ay patunay sa commitment ng Marcos Jr. administration na maipatupad ang MIF ngayong taon upang bigyan daan ang epektibong sovereign wealth fund na na magsusulong ng long term growth ng bansa. | ulat ni Melany V. Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us