Mga nanalo sa BSK Elections sa Caloocan, manunumpa na ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakda nang manumpa sa tungkulin ngayong araw ang mga nanalong opisyal sa Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) Elections sa Lungsod ng Caloocan.

Nakaiskedyul na isagawa ang Mass OathTaking Ceremony mamayang alas-3 ng hapon sa Caloocan City Sports Complex.

Pangungunahan ito ni Caloocan Mayor Along Malapitan, Vice Mayor Karina Teh, at pati na mga district representative ng lungsod.

Inaasahan namang aabot sa 1,504 na mga elected Barangay at Sangguniang Kabataan officials ang dadalo sa panunumpa mamaya.

Una nang ipinunto ni Mayor Along na umaasa itong magiging katuwang ang mga nanalong Barangay officials sa pagsusulong ng isang progresibong Caloocan para sa lahat. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us