Mga natatanging sibilyang empleyado ng DND, pinarangalan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Department of National Defense (DND) Senior Undersecretary Irineo C. Espino ang pagpaparangal sa mga natatanging sibilyang empleyado ng kagawaran.

Kasama si DND Assistant Secretary for Human Resource Antonio L. Baustista, ginawaran ni Usec. Espino ang 10 empleyado ng DND proper ng parangal sa iba’t ibang kategorya.

Habang 22 loyalty awards naman ang ipinagkaloob sa mga empleyadong nakakumpleto ng 10, 20, 25, 35, at 40 taon sa serbisyo.

Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni Espino ang mahalagang papel ng mga sibilyang empleyado sa tagumpay ng kagawaran.

Tiniyak naman ni Espino na sisikapin ng kagawaran na ipagkaloob sa mga empleado ang lahat ng kagamitan, pagsasanay at suporta para umasenso sila sa kanilang trabaho.

Ang awarding ceremony ay isinagawa sa Camp Aguinaldo nitong Lunes, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-84 na anibersaryo ng kagawaran, na may temang “Building a Stronger Nation, Securing a Safer Future. ”. | ulat ni Leo Sarne

📷: DND

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us