Mga obstruction sa paligid ng Batasan Complex, inalis ng MMDA bilang paghahanda sa pagdalaw ng Prime Minister ng Japan sa Kongreso

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa ng clearing operation ang Metropolitan Manila Development Authority sa kahabaan ng IBP Road papuntang Batasan Complex ngayong umaga.

Ayon kay MMDA New Task Force Special Operations Bong Nebrija, ginawa nila ito kasabay ng pagdalaw ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida at kaniyang delegasyon sa Kongreso.

Lahat ng sasakyang nakaparada sa tabi ng IBP Road ay sinita at pinaalis.

Hindi na nagsagawa ng panghahatak ang mga tauhan ng MMDA maliban sa inisyuhan lamang nila ng tiket ang mga may-ari ng sasakyan.

Alas-10:00 ngayong umaga, magdaraos ng special joint session ang Kamara at Senado para sa pagsalubong at pagtanggap sa punong ministro ng Japan. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us