Nadagdagan pa ang bilang ng mga pamilyang naapektuhan ng tumamang Magnitude 6.8 na lindol sa Davao Occidental, ayon sa DSWD.
Sa pinakahuling tala ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of November 21 ay aabot na sa 7,517 pamilya o katumbas ng halos 35,000 na indibidwal ang apektado ng malakas na lindol.
Karamihan pa rin ng mga apektado ay mula sa Davao Region at SOCCSKSARGEN.
Kaugnay nito, umakyat na rin sa 369 ang bilang ng mga tahanang napinsala ng lindol habang may higit sa 2,800 ang partially damaged.
Tuloy-tuloy naman ang paghahatid ng ayuda ng DSWD sa mga apektadong LGU kabilang ang pamamahagi ng family food packs.
Katunayan, mayroon nang higit sa ₱17.7-milyong humanitarian assistance ang naipamahagi ng ahensya. | ulat ni Merry Ann Bastasa