Mga sasakyang dumadaan sa EDSA Carousel, hinuli ng I-ACT

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kahit ngayong Undas, tuloy ang operasyon ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) laban sa mga hindi awtorisadong dumaan sa EDSA Busway.

Sinimulan ng I-ACT ang operasyon sa bahagi ng Santolan kaninang alas-6 ng umaga kung saan marami na agad ang nasampolan.

Kabilang dito ang dalawang pulis at anim na sundalong sakay ng motor na nahuling dumaan sa Edsa Busway.

Agad na tiniketan ang mga ito at pagmumultahin ng ₱1,000.

Samantala, isang lalaki rin ang nasita dahil bukod sa pagdaan sa EDSA Busway, natuklasang wala rin itong lisensya.

Dahilan ng motorista, nawala ang kanyang wallet kung saan naroon ang kanyang lisensya sa sementeryo kahapon.

Di naman nakalusot ang dahilang ito sa I-ACT dahil bukod sa multa, diretso impound din ang sinasakyan nitong motor.

Una nang naglabas ng memo ang Department of Transportation (DOTr) kung saan nakasaad na tanging marked vehicle na may emergency duties na lamang gaya ng ambulansya, fire trucks, PNP, at iba pang law enforcement ang maaaring gumamit ng EDSA Busway.

Ang operasyong ito ng I-ACT ay bahagi rin ng pagpapatupad nito ng Oplan Byaheng Ayos ngayong panahon ng Undas. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us