Lumalakas ang suspetsa na mga “Gun for hire” ang dalawang suspek na bumaril at pumatay sa dalawang pasahero sa loob ng bumibiyaheng bus sa Nueva Ecija.
Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief at Spokesperson Police Colonel Fajardo sa pulong balitaan sa Camp Crame kahapon.
Ayon kay Fajardo, base ito sa resulta ng pagsusuri ng mga narekober na basyo ng bala na ginamit sa pamamaril, na isinailalim sa Integrated Ballistic Identification System (IBIS) at cross-matching.
Paliwanag ni Fajardo, lumabas sa pagsusuri na ginamit din ang baril sa tatlong iba pang pamamaril kabilang ang isang insidente sa Isabela at dalawang insidente sa Nueva Ecija.
Sa ngayong, patuloy aniya ang pangangalap ng mga ebidensya ng PNP hingil sa pagkakakilanlan ng mga salarin sa krimen.
Inaasahan naman ng PNP na sa mga susunod na araw ay magkakaroon ng breakthrough sa nasabing kaso. | ulat ni Leo Sarne