Inihain sa Kamara ang isang resolusyon upang ipaabot ang pagbati ng Kapulungan kay Miss Universe-Philippines Michelle Marquez Dee.
Salig sa House Resolution 1475 ni Bulacan Representative Salvador Pleyto Jr., kinikilala ang pagsabak ni Dee sa prestihiyosong beauty pageant na ginanap sa El Salvador kung saan nakapasok siya sa Top 10.
Maliban pa ito sa nakuhang Miss Universe 2023 Special Awards ng beauty queen na Spirit of Carnival Award, Miss Universe’ Fan Vote, at Voice for Change competition.
Si Dee ay anak ng dating Miss International beauty queen na si Melanie Marquez, at film producer/businessman na si Frederick Dee. | ulat ni Kathleen Jean Forbes