MMDA, iginiit na walang dry run sa paniningil ng mas mataas na multa sa EDSA Busway

Facebook
Twitter
LinkedIn

Simula sa Lunes, Nobyembre a-13, diretso na ang gagawing paniningil ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa mga pasaway na motorista na pilit pa ring daraan sa EDSA Bus Carousel Lane.

Ayon kay MMDA Acting Chairman, Atty. Don Artes, wala na silang gagawing dry run dahil sapat na ang mga ibinigay nilang anunsyo, babala at abiso sa publiko hinggil dito.

Giit pa niya, hindi naman sila nagkulang sa pagpapaalala sa publiko gamit ang media at social media para maiparating ang kanilang mensahe.

Nabatid na ang bagong multa sa mga pasaway sa busway simula sa Lunes ay ₱5,000 sa unang paglabag; ₱10,000 at 1 buwang suspensyon ng driver’s license sa ikalawa.

₱20,000 at 1 taong suspensyon ng driver’s license sa ikatlong paglabag habang ₱40,000 multa at rekumendasyon sa Land Transportation Office o LTO para i-revoke ang driver’s license sa ika-apat.

Sinabi naman ni Artes ang kanilang hakbang ay hindi anti-poor kundi isang hakbang para madisiplina ang mga motorista. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us