MMDA, mahigpit na binabantayan ang tigil-pasada ngayong umaga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigpit na binabantayan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang sitwasyon kaalinsabay ng ikinasang tigil-pasada ng grupong PISTON ngayong araw.

Ayon kay MMDA Acting Chairperson Atty. Don Artes, nagkasundo ang iba’t ibang lokalidad sa Metro Manila na huwag magsuspinde ng pasok sa mga paaralan para ipakita na hindi mapaparalisa ng tigil-pasada ang pag-aaral ng mga estudyante.

May iba pa namang pamamaraan para maipagpatuloy ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral gaya ng online classes kaya’t hindi sila natatakot na mapag-iwanan sa klase ang mga kabataan.

As of 8am, ilan sa mga apektado ay ang mga ruta ng Tindalo – Project 2 – Welcome Rotunda; Philcoa – Welcome Rotunda; Sucat – Baclaran; Alabang Viaduct – San Pedro; Muntinlupa Alabang – Zapote at Sta. Ana hub.

Ayon sa MMDA, may mga nakakalat nang sasakyan ang LGUs para mag-alok ng libreng sakay sa mga apektadong ruta. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us