MMDA, malamig sa mungkahing iurong ang pagpapatupad ng Number Coding Scheme

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinitimbang pa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung mayroon nang pangangailangan na alisin ang window hours ng Unified Vehicle Volume Reduction Scheme o Number Coding.

Ito’y dahil sa inaasahan nang bibigat ang daloy ng trapiko ngayong papalapit na ang Kapaskuhan.

Ayon kay MMDA Acting Chairperson, Atty. Don Artes, kailangan nilang pag-aralang maigi ang sitwasyon ng trapiko lalo’t prayoridad nilang maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko lalo na tuwing rush hour.

Pero sa mungkahi ng Lawyers for Commuters Safety and Protection na i-urong sa alas-8 hanggang alas-10 ng umaga at alas-6 hanggang alas-8 ng gabi ang number coding, tila malamig dito si Artes.

Giit niya, layunin ng kasalukuyang oras ng number coding na maibsan ang pagdagsa ng mga motorista tuwing rush hour kaya’t kung babaguhin ito ay hindi masusunod ang layunin ng naturang patakaran. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us