MMDA, muling nagpakalat ng mga sasakyan sa mga lugar na apektado ng libreng sakay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi tumitigil sa pag-alalay ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa mga pasaherong maaapektuhan ng sabayang tigil-pasada ng mga grupong PISTON at MANIBELA ngayong araw.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), mahigit 50 sasakyan ang ipinakalat para maghandog ng libreng sakay.

Nasa 30 na H100 van, dalawang Travis van, isang bus, walong L300 van, isang 6×6 truck, at isang coaster ang kanilang pinakalat sa Sucat-Baclaran.

Nagpdala rin sila ng isang truck sa Nagtahan, apat na bus sa Cubao-Divisoria, habang 15 e-trike, isang mobile, at isang DRRMO Hilux ang ipinakalat sa Lardizabal – M. Dela Fuente.

Nasa tatlong bus naman ang ipinakalat sa sa Parañaque City Hall, isang bus sa Quezon City Hall biyaheng Malinta sa Valenzuela at isang bus sa Sta. Mesa-Cubao area.

Tiniyak naman ng MMDA ang kanilang kahandaan sa pagtugon sa tigil-pasada hanggang sa matapos na ito.

Habang naka-antabay din ang mobility assets ng Philippine National Police (PNP) para alalayan ang mga ahensya del gobyerno gayundin ang lokal na pamahalaan para maghandog ng libreng sakay. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us