Abot sa 232 Moro National Liberation Front combatants sa Marawi City ang pinagkalooban ng cash assistance mula sa Department of Social Welfare and Development.
Ayon sa DSWD, bawat combatant ay tumanggap ng P45,000 na maaari nilang magamit para simulan ang kanilang kabuhayan sa ilalim ng Bangsamoro Transitory Cash Assistance.
Ipinagkaloob ang tulong pinansyal matapos sumailalim sa mahigpit na verification at profiling ang mga benepisyaryo.
Ang Office of the Presidential Adviser for Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU) ang nangunguna sa MNLF Transformation Program,
isang pagsisikap para tulungan ang mga combatant na maging produktibo, may kapangyarihan at maging self-reliant individuals.
Magpapatuloy ang payout hanggang bukas para sa natitira pang 246 na benepisyaryo ng MNLF.
Pagtiyak pa ng DSWD na mahigpit nitong susubaybayan ang mga benepisyaryo hanggang sa umunlad ang kanilang napiling kabuhayan. | ulat ni Rey Ferrer
📷: DSWD