Modernization program, ilulunsad ng DA upang mapataas ang produksyon ng bigas sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na maglulunsad ito ng modernization program sa sektor ng agricultura.

Ito ay kasunod ng pagbisita ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. sa Philippine Rice Research Institute sa Nueva Ecija.

Ayon kay Laurel, nakatuon ang ahensya na mapataas ang produksyon ng bigas at mapababa ang post-harvest losses sa pamamagitan ng science at technology.

Sinabi rin ni Laurel, na kailangang madagdagan ang bilang ng mga personnel at scientist sa PhilRice upang mas mapaunlad ang Philippine Rice Sector.

Dagdag pa ng kalihim, mahalaga na harmonized o sama-sama ang pagtugon ng iba’t ibang sektor upang maabot ang food sufficiency sa bansa. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us