Muling pagkakabilang ng Pilipinas sa International Maritime Organization, ikinakampanya ng DOTr

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiwala ang Department of Transportation (DOTr) na mapananatili ng Pilipinas ang puwesto nito sa International Maritime Organization o IMO.

Ito ang inihayag ni Transportation Sec. Jaime Bautista kasunod ng nagpapatuloy na 33rd IMO Assembly sa London kung saan inaasahang itataguyod dito ang Strategic Plan para sa mga taong 2024 hanggang 2029.

Ayon sa Kalihim, mahalaga ang muling pagkakahalal ng Pilipinas sa IMO sa ilalim ng Category C para sa taong 2024-2025 upang makatulong sa mga repormang ipinatutupad sa maritime industry ng Pilipinas.

“We believe our re-election will allow us to continue contributing to the global maritime industry, not just as top provider of top-caliber seafarers but also at promoting safe and secure shipping operations, geared towards growth, modernization, resiliency and sustainability,” wika ni Sec. Bautista.

Isa ang Pilipinas sa mga unang member-state na kinilala ng International Labor Organization na nakatugon sa International requirements ng Seafarers Identity Documents Convention of 2003

Sakaling mapanatili ng Pilipinas ang pagiging bahagi ng IMO, sinabi ni Bautista na mapalalakas nito ang shipbuilding industry na siyang naglagay sa Pilipinas bilang ika-5 sa pinakamalaking shipbuilding nation sa mundo. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us