Kumpiyansa ang National Economic and Development Authority (NEDA) na maaabot ng Pilipinas ang pangarap nitong maging isang matatag kung makakamit ang pangmatagalang kapayapaan sa bansa.
Ito ang inihayag ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan matapos i-anunsyo ng Office of the Presidential Adviser on the Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) ang Joint Communique sa pagitan ng pamahalaan at ng CPP-NPA at NDF.
Binigyang-diin ni Balisacan na mahalaga ang pagkakaroon ng pangmatagalang kapayapaan dahil makahihikayat ito ng mas maraming mamumuhunan at negosyo.
Sa ganitong paraan, sinabi ng kalihim na mas magiging inclusive ang paglago ng ekonomiya dahil kung mas maraming negosyo ay mas masigla ang kumpetisyon.
Magreresulta rin ito ng paglikha ng maraming industriya na siya namang makapagbibigay sa mga Pilipino ng mas maraming trabaho at oportunidad. | ulat ni Jaymark Dagala