Sumampa na sa ₱34-million ang naipahatid na tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigang naapektuhan ng tumamang Magnitude 6.8 na lindol sa Davao Occidental.
Bukod sa family food packs, namamahagi na rin ng ₱10,000 cash assistance ang DSWD sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) Program, partikular sa mga pamilyang nasira ang tahanan.
Sa tala ng DSWD, as of November 23 ay umabot na sa higit 16,000 pamilya o katumbas ng 81,664 na indibidwal ang naitalang apektado ng lindol.
Aabot na rin sa 644 ang bilang ng kabahayan na labis na napinsala habang 4,249 naman ang partially damaged. | ulat ni Merry Ann Bastasa