Narekober ng mga tropa ng 10th Infantry Battalion ang isang RPK-47 light machine gun at tatlong magasin ng NPA na nakatago sa Barangay San Lorenzo Ruiz, Sinacaban, Misamis Occidental.
Ayon kay Western Mindanao Command (WesMinCom) Spokesperson Maj. Andrew Linao, natunton ang lokasyon ng nakatagong armas batay sa impormasyong ibinigay ng nahuling NPA member na si alyas Yumi.
Ibinunyag ni alyas Yumi na nagtamo ng pinsala ang armas sa enkwentro noong Setyembre 15 sa Barangay Bagong Baguio, Sergio Osmeña, Zamboanga del Norte, kaya itinago.
Si Alyas Yumi ay dating political instructor ng naghihingalong Guerilla Front Sendong.
Nanawagan naman si WesMinCom Commander Maj. General Steve Crespillo sa mga nalalabing miyembro ng kilusang komunista sa rehiyon na magbaba na ng armas at samantalahin ang mga benepisyong inaalok ng pamahalaan sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program. | ulat ni Leo Sarne
📷: WesMinCom