Positibo ang National Anti-Poverty Commission (NAPC) na maaabot ng pamahalaan ang target na maibaba sa single digit ang poverty incidence sa bansa pagtuntong ng 2028.
Sinabi ito ni NAPC Lead Convenor Secretary Lope Santos III sa DSWD Forum.
Ayon kay Sec. Santos, pagsisikapan ng pamahalaan na maibaba ang 18.1% na poverty incidence na naitala noong 2021 o katumbas ng 20 milyon na mga Pilipino o nasa 3.5 milyon na pamilya na mas mababa sa poverty threshold.
Sa ngayon, nasa tamang direksyon naman aniya ang pamahalaan na tinutugunan ang kanilang mandato kontra kahirapan.
Kaugnay nito, nanawagan naman ang NAPC sa mga mambabatas na iprayoridad ang dagdag na pondo para sa mga programa kontra kahirapan sa bansa.
Ayon kay Secretary Lope Santos III, kailangan ng mga ahensya ng pamahalaan ang sapat na pondo para sa mga program na tutugon sa kahirapan sa bawat sektor kabilang ang supplemenral feeding sa mga kabataan, 4Ps, emergency program at pati na mga subsidiya sa mga magsasasaka, mangingisda at IPS. | ulat ni Merry Ann Bastasa