Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa pakikipagtulungan ng Zamboanga City Disaster Risk Reduction and Management Office (ZCDRRMO) sa nangyaring sunog sa Camacop Village, Brgy. Calarian sa lungsod ng Zamboanga kahapon.
Sa inisyal na ulat ng BFP sa CDRRMO, nasa mahigit kumulang 40 kabahayan na gawa sa light materials at tinatayang aabot sa 1.2 milliion pesos ang halaga ng natupok sa sunog
Itinaas ang first alarm bandang 4:20 a.m. at idineklara naman itong fire out ng Calarian Fire Sub-station bandang 8:00 a.m. kahapon.
Inilikas naman at pansamantalang nanunuluyan sa covered court ng naturang barangay ang mga pamilyang naapektuhan sa nangyaring insidente.
Nagpapatuloy pa sa kasalukuyan ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa kung ano ang pinagmulan ng naturang sunog. | ulat ni Justin Bulanon | RP1 Zamboanga
Photo: ZCDRRMO