Nasungkit na US$672.3 million investment pledges sa biyahe sa US, pinalakpakan ni Speaker Romualdez

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinilala ni Speaker Martin Romualdez ang tagumpay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos makapag-uwi ng nasa US$672 million na halaga ng investment pledges mula sa kaniyang biyahe sa Estados Unidos.

Aniya, ipinakita ni Pangulong Marcos Jr. ang kanyang galing sa pamumuno at diplomatic prowess na nagresulta sa maraming investment commitment.

Ipinakita din aniya nito ang malakas na tiwala ng international community sa liderato ng Pangulo.

“The $672.3 million in pledges is a testament to the international community’s confidence in the President’s leadership. This accomplishment underscores his dedication to advancing the economic interests of the Philippines and fostering partnerships on the global stage.” Sabi ni Romualdez.

Ilan sa mga kasunduang ito ay may kaugnayan sa paglalaan ng internet connectivity sa mga malalayong lugar sa pamamagitan ng dedicated satellite, pinag-ibayong pangangalaga sa kalusugan lalo na sa mga may sakit na cancer; paggamit ng nuclear power at AI-powered na sistema para sa pinahusay na weather prediction at katatagan mula sa epekto ng climate change.

Maliban pa ito sa mga tech firm na nagpakita ng interes para tumulong na makamit ang hangaring digitalization at pagiging hub ng Pilipinas para sa technological innovation at excellence.

“There is no doubt that these investment pledges and the materialization of partnerships arising from the exploratory talks on the sidelines of the APEC Summit will have a positive impact on job creation, infrastructure development, and overall economic growth of the country,” saad ni Speaker Romualdez.

Nangako naman ang lider ng Kamara na susuporta at makikipag-ugnayan ang House of Representatives sa Ehekutibo para matiyak na maisakatuparan ang mga ito.

“The House of Representatives is committed to working collaboratively with the Executive branch to ensure the smooth implementation of these investment commitments and partnerships. We support supporting any legislative measures necessary to create an environment conducive to the success of these endeavors,” wika ni Romualdez | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us