Natatanging kabayanihan ng mga OFW na naipit sa gulo sa pagitan ng Israel at Hamas, kinilala ng Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dalawang magkahiwalay na resolusyon ang pinagtibay ng Mababang Kapulungan na kumikilala sa kabayanihan ng Pinoy migrant workers sa Israel sa gitna ng kaguluhan doon.

Una rito ang House Resolution 1434, na kumikilala sa ‘exemplary heroism at bravery’ ni Camille Figueras Jesalva.

Iniligtas ng 31 taong gulang na overseas Filipino worker (OFW) ang buhay ng kanyang 95 year old patient-employer, sa pamamagitan ng pagbigay ng kaniyang naipong pera sa grupong Hamas nang atakihin ang kanilang tinutuluyan.

Dahil dito ay nakaligtas siya at ang kaniyang amo.

Sa hiwalay naman na House Resolution 1382 ay kinilala rin ang kabayanihan at dedikasyon ng tatlong OFW na nasawi dahil sa mga pag-atake sa naturang bansa.

Isa na rito si Angelyn Aguirre na hindi iniwan ang kaniyang inaalagaang Israeli hanggang sa kapwa sila patayin ng miyembro ng Hamas terrorists.

Nagpaabot din ng pakikiramay ang buong House of Representatives sa naiwang pamilya ni Aguirre at nina Paul Castelvi at Loreta Alacre. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us