National Bike to Work Day, isinagawa ng DOH sa QC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ngayon ng Department of Heath (DOH) ang National Bike to Work Day bilang pagkilala sa mga siklista-manggagawang Pilipino na tinatahak ang mga lansangan upang maghanap buhay.

Kasama ang iba’t ibang miyembro ng Active Transport Technical Working Group, bicycle advocates, at medical groups, sabay-sabay na pumadyak ang ilang opsiyal ng DOH sa pangunguna ni Health Secretary Ted Herbosa.

Tinahak ng mga ito ang ilang kalsada sa Quezon City mula sa Centris patungong Lung Center of the Philippines.

Ayon kay DOH Secretary Herbosa, ito ang unang pagkakataon na ginunita ang National Bike to Work Day.

Pakikiisa na rin aniya ito ng DOH sa pagsusulong ng mas ligtas at bike-friendly roads para sa bawat Pilipinong komyuter. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us