Magtatapos ngayong araw ang Nationwide Gunban na ipinatupad kaugnay ng nakalipas na Baranggay at Sanguniang Kabataan Elections.
Kaugnay nito, iniulat ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief at Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na umabot sa 2,631 ang naaresto dahil sa paglabag sa gunban simula nang ipatupad ito noong August 28 hanggang kahapon.
Base sa huling datos ng PNP, umabot sa 2,054 na mga armas ang nakumpiska sa loob ng nabanggit na panahon.
Habang nasa 2,725 na mga baril ang idineposito para sa safekeeping at 2,208 naman ang kusang isinuko.
Samantala, iniulat din ni Fajardo na nakapagtala na ang PNP ng 330 incidents bago at pagkatapos ng BSKE.
Mula sa nabanggit na bilang, 104 sa mga ito ang may kaugnayan sa katatapos lang na eleksyon, 219 ang non-election related incidents at 7 ang suspected election-related incidents. | ulat ni Leo Sarne