Plano na ng Land Transportation Office (LTO) na magsagawa ng motor vehicle registration caravan sa buong bansa.
Ito ay upang mahimok ang mga delinquent owner na iparehistro ang kanilang motor vehicles sa gitna ng mahigpit na implementasyon ng “No Registration, No Travel” policy.
Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza II, ang motor vehicle registration caravan ay isasagawa sa tulong ng local government units lalo na sa barangay level.
Base sa datos ng LTO, nasa 24.7 million motor vehicles na karamihan ay motorcycles ang expired na ang rehistro.
Ang Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon regions ang may pinakamaraming bilang ng delinquent motor vehicles.
Bahagi ng planong motor vehicle registration caravan ay sikaping gawing simple ang buong proseso ng pagpaparehistro.
Lalo na para sa mga kliyente ng LTO na nahihirapan sa paggamit ng mga online platform. | ulat ni Rey Ferrer