Nat’l Innovation Agenda and Strategy Document, unti-unti nang ipinakikilala sa iba’t ibang panig ng bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang iba’t ibang mga lugar sa bansa na ibahagi ang kanilang mga kaalaman hinggil sa innovation at kung paano makatutugon sa pangangailangan ng kanilang rehiyon.

Ito ang inihayag ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon kasabay ng isinagawang kick-off ng Kagarawan para sa National Innovation Agenda and Strategy Document 2023-2032.

Layunin nito na gawing driving force ng social at economic transformation ang innovation para sa mga negosyo salig naman sa itinatadhana ng Philippine Development Plan 2023-2028.

Sa isinagawang Luzon leg ng programa, nagbahagi ang mga kumpaniyang KloudTech at GK Enchanted farms ng kanilang naging karanasan kung paano napagtagumpayan ang mga hamon ng innovation sa kanilang negosyo.

Tinalakay din dito kung paano maipatutupad ng National at Local Government Units ang National Innovation Agenda and Strategy Document sa regional level at kung paano sila dapat makipag-ugnayan sa ilalim nito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us