Nawawalang Beauty Queen sa Batangas, kumpirmadong sinasaktan ng karelasyong pulis

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinanggi ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Region 4A na nakatatanggap ng banta mula sa Person of Interest na si Police Major Alan de Castro ang pamilya ng nawawalang si Ms. Grand Philippines 2023 Candidate Catherine Camilon.

Ito ang inihayag ni CIDG 4A Chief, Police Colonel Jacinto Malinao sa isang panayam ng mga mamamahayag sa Kampo Crame kasunod na rin ng ilang mga ulat na tinatakot umano ni De Castro ang pamilya ni Camilon.

Ayon kay Malinao, sa Pulisya lamang nakikipag-usap ang pamilya Camilon hinggil sa itinatakbo ng kaso at sa katunayan aniya ay hinihingan na nila ito ng DNA sample para maikumpara sa mga bagong ebidensyang kanilang nakalap.

Sinabi ni Malinao na 17 hair strands at 12 blood stains ang nakita ng mga imbestigador sa natagpuang SUV na pinaniniwalaang pinaglipatan sa katawan ni Camilon.

Gayunman, aminado ang opisyal na hirap silang matukoy kung gaano karaming dugo ang nawala sa katawan ng babaeng inilagay sa naturang SUV dahil nalinis na ito bago pa man matagpuan.

Dahil sa mga bagong ebidensyang nakuha ng Pulisya, sinabi ni Malinao na mayroong indikasyon na sinasaktan ni De Castro si Camilon.

Batay pa sa nakuhang screenshot ng pag-uusap ni Camilon at kaibigan nito, nais nang makipaghiwalay ng dalaga sa karelasyong pulis.

Pero nanindigan umano si De Castro, ani Malinao, na kasama nito si Camilon bago ito nawala noong October 12.

Nakausap na rin ng Pulisya ang may-ari ng natagpuang SUV na pinaglipatan umano kay Camilon ngunit sinabi nito na naibenta na niya ang sasakyan.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us