Noche Buena price guide, inilabas na ng DTI

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal nang inilabas ngayong araw ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kanilang price guide para sa mga Noche Buena product.

Ito ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual ay para magsilbing gabay ng mga mamimili ng kanilang mga bibilhing panghada ngayong papalapit na Pasko.

Ilan sa mga itinuturing na Noche Buena products ay ang ham, sandwich spread, mayonnaise, salad macaroni, spaghetti sauce, tomato sauce at all purpose cream.

Kasunod nito, iniulat din ng DTI na nagkaroon ng bahagyang pagtaas ng presyo sa ilang Noche Buena products gaya ng mayonnaise, sandwich spread at keso de bola.

Gayundin ang pitong brand ng spaghetti sauce at limang brand ng tomato sauce maging ng ilang brand ng fruit cocktail.

Habang ang iba naman ay bumaba naman ang presyo at ang karamihan ay hindi naman gumalaw ang presyo gaya ng pasta, salad macaroni, ilang brand ng keso at all purpose cream.

Para malaman ang detalye hinggil sa presyo ng mga partikular na produkto, mangyari lamang magtungo sa website o social media pages ng DTI. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us